Friday, November 14, 2008

Kaibigan sa Pag-iisa

Lumingon ka sa kana, lumingon ka sa kaliwa, kahit saan ka man pumunta'y siya'y di nawawala. Kaibigan sa liwanag na taksil at iiwan ka pagdapit ng dilim, na magpakailanma'y hindi mo kayang ipagtabuyan. Ang aking mga galaw, di hamak na kanyang nagagaya, bawat kumpas ng kamay at sipa ng paa, sa akin ay sumasabay. Akalain mo nga naman, mayroon pang isang ako, ngunit siya'y walang mukha, pero korte ng tao. Ngayong hatinggabi siya'y nasa aking tabi, patuloy na ginagamit ang sinag ng buwan, naglalakad sa aking tabi.

No comments: